Pormal nang pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte kasama ang pamunuan ng Ayala Malls Trinoma ang Made in QC Local Artisans Fair ngayong araw.
Nakiisa rin sa launch sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Charm Ferrer, Dave Valmocina, QC Tourism Department OIC Ma. Teresa Tirona, QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Department head Mona Celine Yap, Asst. City Administrators Atty. Rene Grapilon at Don Javillonar.
Tara na at bisitahin ang Made in QC Local Artisans Fair kung saan makikita ang locally made products ng mga kababaihang entrepreneurs. Matatagpuan ang fair sa Ayala Malls Trinoma Activity Center at maaaring ma-avail ang proudly QC-made products mula March 8-12.
Tampok din sa Made in QC ang mga natatanging kababaihang tunay na ipinagmamalaki ng Lungsod Quezon sa Iconic Women Photo Exhibit.