QCITIZENS, TARA NA SA MAGINHAWA!
Patok na patok sa QCitizens ang muling pagbabalik ng Maginhawa Arts and Food Festival sa Lungsod Quezon.
Matitikman sa higit 100 stalls ng small businesses sa QC ang mga unique at nagsasarapang pagkain at iba-ibang inumin.
Ilan sa mga tinatangkilik ay ang noodles, fruit shake and drinks, corndog, takoyaki, coffee, burgers, empanada, ice cream, shawarma, street food, at alcoholic drinks.
Mabibili rin ang mga handcrafted items tulad ng mga bags, damit, accesories, plants, pottery, crochet items, toys, abubot, ukay-ukay, at mga artwork.
Abangan ang free concert kung saan magtatanghal ang Imago, Sud, The Vowels They Orbit, Hey June!, Better Days, The Ridleys, Toneejay, at Kiyo.
Habol na QCitizens hanggang 12:00MN ang Maginhawa Fest!




