Punta na sa Maginhawa Pride Village, beshies! ![]()
![]()
Good vibes, good music, at good company ang bumungad sa unang bahagi ng Maginhawa Pride Village 2026.
Binuhay ang kalsada ng Maginhawa sa energetic Zumba session ng Anytime Fitness Maginhawa, na sinundan ng musikang hatid ng QC Symphonic Band.
Bukas na rin ang food and non-food merchants mula sa Maginhawa Food Community at Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office, pati na rin ang QC government booths at partner booths na handang maghatid ng iba-ibang serbisyo.
Simula pa lang ito dahil nagsasagawa na ng soundcheck ang indie bands at OPM artists na magpapasigla ng entablado mamaya, kasama pa ang drag performances at exciting acts na dapat abangan.
Kaya habol na dito sa Maginhawa suot ang inyong best Pride outfit.










