MAGINHAWA SUMMER FEST!
Dinagsa ng QCitizens ang Maginhawa Summer Festival 2025 tampok ang nasa 100 food and non-food merchants na sa Lungsod Quezon lang matatagpuan.
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang selebrasyon at inikot ang kahabaan ng Maginhawa Street nitong Sabado.
Napuno ng masasayang tugtugan ang libreng concert hatid ng mga bandang Parasouls, Sandwhich, Tema, Hey June, Earl Generao, at We Got.
Pasabog naman ang mga performanxe ng Harong Queens na sina Pura Luka Vega, Maria Cristina, Ava Manawari, Italya, Andro Jenny, Dyvina Gracias , Jessie Wanaluvmi J, Skinishaaa, Teal De Lune, at Xindee.




