Tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng Quezon City Government, katuwang ang Department of Engineering (QCDE), upang agad na matugunan ang epekto ng sunod-sunod na pag-ulan sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Layon ng mga maintenance operations na ito na mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at ng bawat QCitizen.
Narito ang mga maintenance activities na isinagawa sa Commonwealth Avenue:
– Asphalting works sa IBP Road malapit sa Katipunan St. at Everlasting St.
– Asphalting works sa mga pothole sa pagitan ng Masaya St. at University Avenue
– Electrical works sa mga DRRM tents sa SB Park
– Deployment ng mga sewer jet sa MRT-7 Batasan at Don Antonio Station, at sa Philcoa Area
– Clearing works sa Litex
Nananatiling alerto at aktibo ang pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatiling ligtas at maayos ang mga pangunahing lansangan. Patuloy ang pagtutok ng Quezon City Government sa mga lugar na nangangailangan ng agarang aksyon upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng bawat QCitizen.








