Sama-samang nagbisikleta ang aabot sa 410 QCitizen cyclists sa ginanap na “Makasaysayang Kyusi Bike Trail: Padyak Pabalik sa Kasaysayan” bike ride kaninang umaga.

Binaybay ng mga siklista ang 35.3-kilometrong bike trail kung saan makikita ang ilang makasaysayang lugar sa lungsod tulad ng:

– Andres Bonifacio Monument

– Apolonio Samson Marker

– Cry of Pugad Lawin

– Himlayang Pilipino Memorial Park

– Tandang Sora National Shrine

– Holy Cross Parish – Krus na Ligas

– People Power Monument

– Bantayog ng mga Bayani

– Quezon Memorial Circle

Layon ng bike ride na himukin pa ang mga QCitizens na makiisa sa sustainable transportation programs ng QC.

Nanguna sa aktibidad sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at Metropolitan Manila Development Authority Solid Waste Management Office Chief Jhonmarie Caoyong.

#TayoAngQC

#QC85th

+73