QC IS DIGITAL DEMOCRACY CHAMPION!
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang prestihiyosong People’s Participation Award para sa Lungsod Quezon mula sa Digital Democracy Awards ng Makati Business Club (MBC).
Hinirang ang QC bilang Digital Democracy Champion dahil sa paggamit ng digital tools upang mapaunlad ang serbisyo publiko at partisipasyon ng QCitizens.
Nasungkit ng QC ang naturang award dahil sa programang Usapang QC, ang bi-monthly infotainment show ng lungsod na umeere sa Facebook.
Dumalo sa programa sina Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, US Ambassador MaryKay Carlson, Department of Information and Communications Technology USec. Jocelle Batapa-Sigue, Victorias City Mayor Javi Benitez, Baguio City Mayor Benjie Magalong, MBC Chairman Ed Chua, MBC Executive Director Bobby Batungbacal, at PAISD head Engelbert Apostol.