Mainit na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, City Councilors, at Department Heads ang pagdating ni Makati City Mayor Abby Binay sa Quezon City Hall.
Bilang senatorial candidate, nais ni Mayor Binay na bumuo ng batas na aangkop sa pangangailangan ng mga lungsod, munisipalidad, at barangay.
Ayon pa sa kanya, titiyakin niya rin na maging boses ng lokal na pamahalaan para matiyak na bawat batas ay maayos, planado, at siguradong maipapatupad para sa kapakanan ng mga residente.




