Binigyang-diin ni Makati City Mayor Abby Binay ang kahalagahan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng mga komunidad, sa kanyang pagharap sa mga lider ng civil society organizations sa Quezon City.
Sa Gender and Development programs orientation sa QC M.I.C.E. Center, binanggit ni Makati City Mayor Binay kina Mayor Joy Belmonte at halos 1,000 solo parents, TODA, GAD focal persons, persons with disabilities, at homeowners association ang kahalagahan ng sustainability sa mga programa.
Kapag sustainable at tuloy-tuloy ang inumpisahang inisyatibo, makikita rin ang tuloy-tuloy na pagbabago at pag-unlad sa kabuhayan at antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.




