Naki-fiesta ang mga kalahok sa Aldaba, UP Diliman para sa Maki+Fiesta 2.0 upang palalimin ang kaalaman sa media, information literacy, at creatives.
Tinalakay nina Gen. Bim Quemado at Ley Castillo ang ugnayan ng photography, peace, at power, habang sina Giano Libot, Regine Cabato, at Camille Diola ay nagbahagi ng mga paraan upang labanan ang disinformation sa digital space.
Sa From MIL to AI Literacy: Building Smarter, Safer Citizens, ipinaliwanag nina Therese San Diego Torres, Carlo Concepcion, Dun Abiera, at Mon Isberto ang kahalagahan ng digital literacy at ligtas na paggamit ng AI.








