Ipinakita sa Maki+Fiesta Film Screening sa UP Film Center Videotheque ang malikhaing galing at dedikasyon ng mga passionate filmmakers. Iba’t ibang short film ang ipinrisinta, na sila mismo ang sumulat, nagdirek, at kinunan, patunay sa patuloy na pag-usbong ng lokal na storytelling at filmmaking.
Kasama sa lineup ang mga short film ng Amber Studios, at nagbahagi si Jacque Manabat, founder ng Amber Studios ang kanyang kaalaman at adbokasiya sa responsableng media, na nag-iwan ng inspirasyon at saya sa mga manonood.
Bahagi ang film screening na ito ng mas malawak na selebrasyon ng Maki+Fiesta 2025, na layong palawakin ang espasyo para sa sining, kultura, at pagbibigay-daan sa mga bagong tinig ng creative community.








