Puno ng impormasyon, lalim, at pagmamahal sa sining at midya ang Gimenez Gallery sa ikalawang araw ng Maki+Fiesta 2.0!
Kahalagahan ng sining sa panahon ng kaguluhan, at paano ito nagsisilbing pag-asa sa harap ng mga hamon sa buhay ang ibinahagi nina Asst. Prof Nikki Carsi-Cruz, Mahadia Abu Dalal, Arthur Tselischev, at Jam Alindogan.
Ikinwento naman ng mga media practitioner na sina Voltaire Tupaz, Jen Aquino, Aaron Favila, Aika Rey, at Mara Cepeda ang ilang tips sa paggawa ng kwento, at paano gamitin ang constructive criticism at solution-based storytelling sa pagbuo nito.
Tinalakay nina Atty. Jewel Dela Cruz, DOJ Asec. Michelle Anne Lapuz, Karen Mae Sofia, at Pia Gutierrez ang estado ng online sexual abuse and exploitation ng mga kabataan sa bansa, at ang responsibilidad ng bawat sektor sa lipunan para labanan ito.
Pinag-usapan naman nina Maoi Arroyo, Ken Abante, Franz Angelo, Elaine Degale, at Roby Alampay kung paano pinanghahawakan ng mga nonprofit organization at alternate media ang kanilang prinsipyo sa kabila ng mga hamon sa industriya, partikular sa finances.
Pagtataguyod at paghahatid ng katotohanan sa panahon ng disinformation at fake news ang binigyang-diin nina Luisa Sebastian, Alan German, Joseph Cataan, Inday Verona, at Janvic Mateo sa panghuling session ng day 2.








