Makabuluhan ang naging talakayan sa Gimenez Gallery para sa Maki+Fiesta, kung saan tinalakay ang accessible data, digital archiving, at gender biases sa iba-ibang plataporma.
Sa Speed Data-ing, nagbahagi ang mga eksperto at data enthusiasts ng accessible open datasets upang magbigay-siklab sa Maki+Fiesta Hackathon.
Sa Tech, Memory and the Defense of History, tinalakay na ang pagpepreserba ng katotohanan at kasaysayan ay maituturing na isang creative act na may malaking ambag sa demokrasya.
Sa Gender Biases in Content and Platforms, binigyang-diin ng women at LGBTQ+ advocates ang pagkakaiba ng trato at tingin base sa gender, at kung bakit mahalagang magkaroon ng ligtas at inklusibong espasyo para pagkakaron ng pantay na boses sa media at sa paghubog ng polisiya.
Ilan sa nakibahagi sina Quezon City Tourism Department OIC Giana Barata, QC Disaster Risk Reduction and Management Office Head Bianca Perez, Gender and Development Council Office Head Janete Oviedo, Professor at Historian Xiao Chua, at journalists Karmina Constantino-Torres at Chiara Zambrano.








