IT’S MAKI+FIESTA DAY 2.0! ![]()
Makabuluhang diskusyon sa mga napapanahong isyu ang tinalakay sa Day 2 ng Maki+Fiesta sa IGB-KAL Theater ngayong Biyernes.
Pagsulong ng karapatang pantao at pagkamit sa hustisya ang paksa sa breakout session nina Fr. Flavie Villanueva, Sean Pico, Mika Ortega, JL Burgos, at Randy delos Santos.
Usapang food sustainability at supporting local naman ang hinimay ng mga speakers na sina Waya Araos-Wijangco, Sherwin Felix, Jayson Gaspar Maulit, at Chef Myke Tatung.
Ipinaliwanag naman nina Jacque Manabat, Germaine Reyes, Bernice Sibucao, Atty. Jess Falcis, at Ed Lingao ang mga datos ng mga Gen Z at Millennials bilang informed citizen.
Pagtindig para sa tama, midya, at online community ang nilaman ng session nina Rowena Paraan, Gang Badoy, Mighty Magulang, at Joyce Panares.
Pagguhit at pagiging malikhain naman ang iniulat ni Renren Galeno. Kasabay nito, pinaralangan ang mga kabataang nagwagi sa Hackaton na sinuportahan ng PLDT, Smart, and Vitro.
Sa Fireside Chat, nagbigay ng panayam at mahahalagang tips sa pagsusulat ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Bilang pagtatapos, nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pakikibaka para sa bansa ang ATIN ITO-WPS Coalition na binubuo nina Rafaela David, Emman Hizon, Melvin Lee, at Roby Alampay bilang moderator.








