It’s a wrap for MAKI+Fiesta 2024!
Maraming salamat sa mga dumalo at nakiisa sa 2-day #MAKIFiesta2024 media festival na proyekto ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang University of the Philippines, International Media Support, Fyt Media, PumaPodcast, at Probe Productions.
Bilang pagtatapos sa kauna-unahang LGU-led media festival, nagbahagi ng kaalaman, adbokasiya, at tuwa ang mga presentasyon nina Quezon City Film Commission Executive Director Liza Diño-Seguerra, Landscape architect and urban reform champion Paolo Alcazaren mula sa PGAA Creative Design, at Jeryc Garcia ng College of Saint Benilde.
Hangad namin na ang lahat ng inyong natutunan mula sa mga bigatin at batikang panelists at speakers ay magbunga ng kaunlaran sa bawat isa, lalo na ang pagsusulong ng malayang pamamahayag sa bansa.
Magkita-kita tayo sa susunod na taon para sa isang makabuluhang #MAKIFiesta!