TUGON SA MGA KOOPERATIBA!
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa inilunsad na programang Malasakit sa Kooperatiba ng Cooperative Development Authority (CDA) katuwang ang opisina ni Senator Christopher “Bong” Go sa Lungsod Quezon (QC) bilang host city ngayong araw.
Nakatanggap ng tulong pinansyal na P50,000 ang 23 na mga kooperatibang nasa QC, Taguig, Las Pinas, Manila, Malabon, at Navotas.
Layon nitong makatulong sa mga kooperatiba bilang dagdag pangkapital at muling makabangon sa nagdaang pandemya.
Binubuo ito ng mga nano at micro cooperatives ng mga guro, transport groups, consumers, workers, fisherfolks, savings and credit groups, producers at multi-purpose coops.
Present din sa programa sina QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Mona Yap, CDA Chairperson Usec. Joseph Encabo, Asec. Santiago Lim, Regional Director Pedro Defensor Jr., Asec. Pendatun Disimban, Asec. Virgilio Lazaga, at Phillip Salvador.




