Kabilang si Mayor Joy Belmonte sa mga mainit na sumalubong sa pagdating ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim sa University of the Philippines – Diliman ngayong umaga.
Kasama sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian at mga ambassador ng iba-ibang bansa, naging saksi si Mayor Joy sa conferment ceremony ng Doctor of Laws, Honoris Causa, ng UP kay PM Anwar Ibrahim.
Mismong sina UP President Angelo A. Jimenez at Baguio City Rep. Mark Go ang nagbigay ng honorary degree kay PM Anwar Ibrahim.
Si PM Anwar Ibrahim ay kilala sa kanyang pamamahala sa Malasyian Economy at pagsusulong ng kanyang prinsipyo kontra korapsyon noong Asian Financial Crisis. Inaral din niya ang buhay ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal at eksperto sa sangay ng ekonomiya, demokrasiya, pamamahala, at Islam.