Nagsagawa ang Quezon City Government ng Mandatory Continuing Legal Education seminar para sa mga abugado ng city government.
Ito ay 4 na araw nang pag-aaral upang masiguro na updated ang mga abugado at ang kanilang kaalaman ay naaayon sa ating batas. Makakatulong din ito upang mapanatili ang etika ng propesyon.
Naging lecturer ngayong araw sina Atty. Jocel Isidro Dilag, Atty. Eduardo Reyes, III, Judge Gener Gito, at Dir. Krunimar Antonio D. Escudero III.
Ito ay sa pakikipagtulungan kasama ang University of the Philippines Law Center (Institute for the Administration of Justice).