Nakumpuni at naisaayos na ang sirang manhole cover sa Susano Rd. corner Ramirez St. sa pangunguna ng District 5 Action Office at QC Department of Engineering (QCDE).
Nalagyan na rin ng replacement cover ang open manhole sa sidewalk sa East Avenue malapit sa branch ng BPI. Ito’y matapos makipag-ugnayan ng QCDE sa PLDT para agad maaksyunan ang nasabing reklamo.
Para sa iba pang concern o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Department of Engineering (QCDE):
5th, 6th, 7th, and 8th Floors, Civic Center Bldg. B, Quezon City Hall Compound, Barangay Central, Diliman, Quezon City
8988-4242 locals 8658, 8659, 8538
engineering@quezoncity.gov.ph
https://www.facebook.com/QuezonCityDepartmentofEngineering
Maaari ring tumawag sa Helpline 122.

