Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang report ng isang concerned QCitizen sa sirang manhole cover sa bahagi ng Mindanao Avenue. Nilagyan rin ito ng karagdagang suporta upang masiguro ang tibay at kaligtasan nito.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni ng mga imprastraktura sa lungsod upang maiwasan ang anumang aksidente.
Hinikayat din natin ang publiko na i-report sa amin o sa Helpline 122 ang mga kahalintulad na concern.
Maraming salamat po.






