Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maagang umalalay ang Pamahalaang Lungsod sa mga commuter na apektado ng ikinasang tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw.
Naka-monitor din ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.
Patuloy naman ang libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus services, tingnan ang link na ito: https://www.facebook.com/QCGov/posts/1256134503367853










