Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga kabataan na makiisa sa adbokasiya ng lungsod sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan, sa ginanap na 2024 Manila Bulletin Sustainability Forum.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde na ang isyu sa kalikasan ay social issue rin dahil naaapektuhan na nito ang kabuhayan, kalusugan, at kabuuang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang iba-ibang programa ng lungsod tulad ng Trash to Cashback, at refilling hub program para sa mga sari-sari store.
Tutuldukan na rin ng QC ang paggamit ng PET bottles at single use plastics sa lahat ng programa at aktibidad, para mahikayat ang mga empleyado at mamamayan na makiisa sa adbokasiya ng lungsod.
Ang forum na may temang “Bridging the Gap: Forging Connections on Perspectives on Sustainability” ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba-ibang unibersidad sa NCR.
Kasama rin ni Mayor Joy sa programa sina Manila Buletin Executive Vice President and Publisher Herminio “Sonny” Coloma Jr., Manila Bulletin Sustainability Forum Project Lead Mr. Philip Cu-unjieng, Manila Bulletin Environment and Sustainability Editor Rey Ilagan, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at mga kinatawan mula sa pribadong sektor.