Hangad ng lungsod na mapanatiling ligtas ang Quezon City para sa susunod na henerasyon.
Naging keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa 2nd Manila Bulletin Sustainable Forum na ginanap sa University of the Philippines, Diliman ngayong araw.
Tinalakay ng alkalde ang mga programa upang mapanatiling malinis at maganda ang lungsod para sa QCitizens, katulad ng Kuha sa Tingi at Trash-to-Cashback program.
Hinakayat din ni Mayor Joy ang mga kabataan na suportahan ang adbokasiya ng lokal na pamahalaan patungkol sa pangangalaga sa kalikasan.