WELCOME TO QC, WALDORF STUDENTS!
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng mga Grades 11 and 12 student mula sa Manila Waldorf School sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang study tour.
Inihayag ng alkalde ang mga inklusibong programa at proyekto ng QC. Kabilang dito ang mga social services facilities, No Women Left Behind program para sa mga kababaihang persons deprived of liberty, ang climate change action plan, good governance, civil society organizations na kasangga ng QC, at ang digitalization ng mga proseso ng City Hall.
Bumisita rin sila sa Office of the Vice Mayor upang alamin ang mga legislative process ng QC Council.
Kasabay nito, binisita nila ang urban farms, Kilos Kyusi Store, at Trash to Cash Back Kiosk.
Pinakinggan din ng mga estudyante ang lectures patungkol sa QC Climate Action Program at circular economy strategy na ipinatutupad ng lungsod.
Kasama sa kanilang whole day tour ang pagbisita sa Molave Youth Home, Bahay Aruga, at QC Jail Female Dormitory.
Salamat, Waldorf students sa pagpili sa QC para sa inyong education tour!