Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa Manila Water upang makapagbigay ng potable o malinis na inuming tubig para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Pinyahan.
Naglaan ang Manila Water ng 500 piraso ng 5-gallon na container ng inuming tubig para sa mga biktima.
Kasalukuyan ding kinukuha ang karagdagang supply ng potable water mula sa Pasig Warehouse ng Manila Water.
Patuloy ang koordinasyon ng mga ahensya at katuwang na institusyon upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.







