Sa QC, may oportunidad para sa lahat!
Sabay-sabay na nagsipagtapos sa iba-ibang skills training courses ang 361 QCitizens mula sa anim na distrito ng Lungsod Quezon.
Bahagi ito ng programang Manpower Barangay Based Skills Training Program ng Social Services Development Department (SSDD).
Ito na ang ika-160 batch ng mga residenteng nagsipagtapos sa libreng skills training.
Ayon sa SSDD, mula 2019 nasa 8,796 ang QCitizens na nakinabang programang ito.
Nag-aalok ang SSDD ng mga skills trainings sa Bread and Pastry Making, Hair Care Services, Health Care Provider, Reflexology and Massage Services.
Kasama rin ang Basic trainings sa Catering Services, Beauty Care Services, Automotive Servicing, Dressmaking, Welding, Computer Literacy and Call Center Services, at Housekeeping.
Dumalo sa graduation ceremony sina Councilor Nanette Daza, TESDA QC District Director Nomer Pascual, Brgy. Tagumpay P/B Ventura Ferreras at mga tauhan ng SSDD.