Isang pagbati sa mga nagsipagtapos sa Manpower Barangay-Based Skills Training Program!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang paggawad ng mga sertipiko sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa paglinang ng kanilang kakayahan.
Nakiisa sa seremonya si Social Services Development Department (SSDD) OIC Lorelei Salvador, QC Jail Male Dorm Warden JSupt. Maria Lourdes Pacion, at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – QC.
Kabilang din sa mga nagsipagtapos ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa QC Jail Male Dormitory.
Layunin ng programa na magbigay ng mga kasanayan sa kabuhayan upang mas mapalakas ang oportunidad sa hanapbuhay ng mga QCitizen.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa SSDD – Vocational Development Division.








