Naparangalan si Mayor Joy Belmonte ng Manuel De Leon Exemplary Award sa ginanap na 40th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP).
Ito ay parangal para sa QCinema International Film Festival, ang pista kung saan ang local at international films at documentaries ay pinapalabas sa lungsod.
Kasama rito ang pagsuporta at pagbibigay ng grants ng lokal na pamahalaan sa mga gumagawa ng pelikula.
Dumalo si Coun. Irene Belmonte bilang kinatawan ng alkalde.
Ang FAP ay isang prestihiyosong award giving body na nagbibigay pagkilala sa mga indibidwal sa larangan ng pelikula.