Nag-alay ng banal na misa ang Pamahalaang Lungsod Quezon bilang paggunita sa ika-82 anibersaryo ng kamatayaan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ngayong Sabado.
Matapos ang misang pang-alaala, binasbasan ni Fr. Rey Paglinawan ang puntod ni Pres. Quezon na kasalukuyang namamalagi sa kanyang museo sa Quezon Memorial Circle.
Kasabay nito, inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagsisimula ng selebrasyon para sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.
Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Pres. Quezon dahil sa kanyang pagsulong ng iisang wika, pagkakaisa ng bayan, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Nakibahagi sa seremonyas sina Vice Mayor Gian Sotto, tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Councilor TJ Calalay, kasama sina Councilor Nanette Daza, KWF Commissioner Atty. Marites Barrios-Taran, National Historical Commission of the Philippines Deputy Executive Director Rosario Sapitan, QC Tourism Department head Giana Barata, kaanak ni Pres. Quezon na si Benjamin Avanceña, at QC Department heads.










