Kasabay ng pagdiriwang ng ika-81 anibersaryo ng Quezon City, ginawaran ng parangal ang mga natatanging “QC Community Heroes”.

Sa katatapos lang na Manuel L. Quezon Gawad Parangal 2020, kinilala ang mga indibidwal at organisasyon na nagpamalas ng kagandahang loob sa pagtulong sa kapwa at sa pagsisikap na magampanan ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19.

Saludo kami sa lahat ng pinarangalan! Nawa’y kayo’y patuloy na maglingkod at magbigay serbisyo na may dedikasyon para sa ating kapwa, sa ating lungsod at sa ating bansa.