QCitizens, bukas na ang Maria Et Alia art exhibit sa QC Hall!
Tampok sa art exhibit ang mga obra ni Arch. Amado Tandoc Jr. Nasa exhibit ang mga painting ng religious images, partikular ng La Naval De Manila.
Nakiisa sa ribbon-cutting ceremony ng exhibit sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at department heads.
Ang exhibit ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval De Manila bilang patron ng Quezon City.
Matatagpuan ang art exhibit sa atrium ng 2nd floor legislative wing ng QC Hall. Bukas ito simula October 2 hanggang 6, mula 8AM hanggang 5PM.