Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod ang mga kawani ng Marikina City Government, sa pangunguna ni Marikina City Mayor Maan Teodoro, sa kanilang benchmarking activity sa QC.
Ipinakita ng Quezon City ang mga best practices nito, partikular sa social services, health programs, disaster risk reduction and management, public information, at employment opportunities para sa mga residente.
Sa mensahe ni Mayor Joy Belmonte, binigyang-diin niya na sinisiguro ng lokal na pamahalaan na bawat programa ay nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan, na tutugon sa kanilang pangangailangan.








