
Tinuruan ng mga kinatawan mula East Avenue Medical Center – Department of Emergency Medicine, katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga QCitizen ng basic Cardiopulmonary Resuscitation o CPR bilang bahagi ng paggunita sa disaster resilience month.
Kabilang sa mga sumailalim sa basic CPR training sa Quezon Memorial Circle ngayong umaga ang mga residente mula sa iba-ibang barangay at ang ilang mga namamasyal sa QMC.
Layon ng kampanya na maisulong ang kahalagahan ng CPR bilang isang lifesaving procedure at emergency response upang tumaas ang tiyansa ng recovery ng pasyente na nasa kritikal na sitwasyon.





















