Patuloy ang pagbibigay ng libreng sakay ng pamahalaang lungsod sa mga pasahero dulot ng tigil-pasada ngayong linggo.
Nakadeploy ang mga QCity Buses sa mga lugar na maraming pasahero gaya ng Cubao, Commonwealth Avenue, Welcome Rotonda, Novaliches Bayan, LTFRB, East Avenue, Quezon Memorial Circle, at Fairview.
Nakahanda rin ang mga barangay upang magbigay ng libreng sakay sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero, nagtalaga ng karagdagang mga tauhan ang Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD).



















