Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng benchmarking activity ang mga kinatawan ng Mati City, Davao Oriental, sa pangunguna ni Mayor Joel Mayo Almario, sa Quezon City Hall upang alamin ang mga best practices ng lungsod.
Tinalakay sa aktibidad ang mahusay na paggamit ng pondo, digitalization, mga programang tulad ng financial assistance, tamang pamamahala ng basura, at mga inisyatibong umaalalay sa maliliit na negosyo sa lungsod.
Personal na nakibahagi sa benchmarking activity sina Business Permits and Licensing Department Head Margie Mejia, Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office Head Mona Yap, at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo.








