Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa special screening ng pelikulang “Mavka: The Forest Song,” na inorganisa ng Embassy of Ukraine at Honorary Consulate of Ukraine sa Cine Adarna ng UP Diliman.
Kasabay ito ng paggunita sa selebrasyon ng Constitution Day ng bansang Ukraine ngayong araw.
Ang family-friendly movie ay bahagi ng inisyatibong “Bring Kids Back,” na layong ma-reunite ang mga kabataang na deport sa kani-kanilang pamilya.
Kasama sa screening sina Ukraine Ambassador Yuliia Fediv, Consulate of Ukraine, Honorary Consul Dr. Beatrice Ang, UP Film Institute Director Yason Banal, UP College of Media and Communications Dean Dr. Maria Labiste, at mga ambassadors mula sa iba-ibang bansa.




