Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang bahagi ng paggunita sa Hypertension Awarenes Month, nagtayo ng Quezon City Health Department ng Monday Measurement booth sa QC Hall High-rise Building Lobby.
Sa May Measurement booth, binibigyan ng libreng risk assessment at konsultasyon ang mga indibidwal. Inaalam ang kanilang Body Mass Index, blood pressure, at ang kabuuang kalagayan ng kanilang kalusugan.
Katuwang ang Beoringher Ingelheim, Inc. nagkaroon din ng libreng Urine Albumin Creatinine Ratio screening test para sa early detection ng Chronic Kidney Disease (CKD).
Bukas ang booth ng QCHD para sa lahat ng QCitizen tuwing Lunes, mula 9:00AM hanggang 3:00PM, sa lobby ng QC Hall High-rise Building.









