Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng mga QCitizens na nasalanta ng nagdaang Bagyong #CarinaPH.
Namahagi ang alkalde ng mga gamot, pagkain, matutulugan, groceries, bigas, at relief goods sa Barangay Manresa, Diosdado Macapagal Elementary School, at Barangay Bagong Silangan na nagsisilbing evacuation centers.
Tinitiyak din ng lokal na pamahalaan ang puspusang pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan upang mabilis na makabangon sa pinsala ng bagyo.
Kasama rin sa pamamahagi sina Coun. Irene Belmonte, former Coun. Atty. Vincent Belmonte, Coun. Mari Rodriguez, D4 Action Officer Al Flores, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.
Kasabay nito, ininspeksyon din nina Mayor Joy Belmonte at City Engineer Atty. Dale Peral ang kasalukuyang lagay ng ilog sa Barangay Bagong Silangan dahil kabilang ito sa mga flood-prone areas ng lungsod.