Isang mainit na pagbati, Mayor Joy! ![]()
![]()
Ginawaran ng Philippine Civil Service Commission (CSC) si Mayor Joy Belmonte bilang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo National Awardee sa ginanap na “Pagpupugay 2025: Parangal sa mga Lingkod Bayani” ceremony sa Malakanyang.
Ito ang pinakamataas sa tatlong (3) major award categories sa ilalim ng Gawad Lingkod Bayani na taunang isinasagawa ng CSC.
Ipinagkakaloob ang pagkilalang ito para sa mga huwarang lingkod-bayan na naghatid ng natatanging kontribusyon na may malawak at pangmatagalang epekto sa kapakanan, seguridad, at yaman ng bansa.
Patunay din ang parangal na ito na ang Pamahalaang Lungsod Quezon ay isang modelo sa pagtataguyod ng digital governance, bukas at tapat na pamamahala, disaster preparedness, at inklusibong serbisyo para sa mamamayan.




