Congratulations, Mayor Joy!
Pinarangalan si Mayor Joy Belmonte bilang Ally of the Year in the Public Sector sa White Party Manila: Reignite dahil sa kanyang patuloy na pagiging kaagapay ng LGBTQIA+ community.
Binigyang pagkilala ang kanyang mga polisiyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at dignidad, kabilang ang pagpapatupad ng Gender-Fair Ordinance, Gender-Inclusive Healthcare Ordinance, at kauna-unahang Right to Care Ordinance at Right to Care Card sa bansa.
Gayundin ang kanyang patuloy na suporta sa mga Pride initiatives, public advocacy, at iba pang inisyatibang nagsusulong ng isang ligtas at inklusibong lungsod para sa LGBTQIA+ community.
Sa Quezon City, ang Pride ay hindi lamang ipinagdiriwang, ito ay isinasabuhay sa pamamagitan ng inklusibo at makataong pamamahala. ![]()






