Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
A recognition of good governance! ![]()
Ginawaran ng kauna-unahang Exemplar City Mayor Award si Mayor Joy Belmonte ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. at Angelo King Foundation Inc. (FFCCCII-AKFI) bilang pagkilala sa kanyang mahusay na pamumuno at mabuting pamamahala.
Ang parangal ay iginawad batay sa mga pamantayan ng integridad sa pamamahala, transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan, pagsusulong ng business-friendly city, at epektibong pagpapatupad ng mga development programs.
Tinanggap ng alkalde ang parangal kasabay ng pagdiriwang ng ika-128 taon ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at ika-25 taon ng Filipino-Chinese Friendship Day.
Congratulations, Mayor Joy!






