Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang Exemplar City Mayor for 2026 ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at ng Angelo King Foundation bilang parangal sa kanyang mahusay na pamumuno at mabuting pamamahala.
Ang parangal ay iginawad batay sa mga pamantayan ng integridad sa pamamahala, transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan, pagsusulong ng business-friendly city, at epektibong pagpapatupad ng mga development programs.
Ginanap ang seremonya kasabay ng pagdiriwang ng ika-128 taon ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at ika-25 taon ng Filipino-Chinese Friendship Day.
Ang seremonya ay pinangunahan ng FFCCCII sa pamumuno nina President Victor Lim at Executive Vice President Jeffrey Ng.
Dumalo rin bilang mga panauhin sina H.E. Jing Quan, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the People’s Republic of China to the Republic of the Philippines, at Senator Alan Peter Cayetano.
Malugod na nagpaabot ng pasasalamat ang alkalde sa FFCCCII para sa pagkilalang ito, at muling pinagtibay ang kanyang paninindigan na ipagpatuloy ang tapat at mabuting pamamahala sa Lungsod Quezon para sa bawat QCitizen.










