PANOORIN: Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng integridad at ang patuloy na paglaban sa korapsyon sa ginanap na 8th Annual Convention ng National Association of Business Permits and Licensing Officers (NABPLO).
Hinikayat din ng alkalde, sa kanyang talumpati, ang mga kapwa lingkod-bayan na maging tapat sa serbisyo at maging katuwang sa pagpapasigla ng mga negosyo at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho.



