Kinumpirma ni Mayor Joy Belmonte na magbibigay ang Quezon City Government ng Special Emergency Leave (SEL) sa mga empleyadong nasalanta ng bagyo.
Alinsunod ito sa Civil Service Commission Memorandum Circular Nos. 2 at 16, S. 2012 kung saan nakasaad na dapat payagan ang mga empleyadong apektado ng natural na kalamidad. Ang SEL ay batay sa deklarasyon ng State of Calamity sa Quezon City at iba pang bahagi ng National Capital Region noong Hulyo 25, 2024.