Nag-courtesy call si Mayor Joy Belmonte kay newly-appointed Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ngayong araw para ihayag ang suporta ng lungsod sa Philippine National Police.
Kasama rin ni Mayor Belmonte si Mayor Jeanie Sandoval ng Malabon City at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo na namumuno sa Peace and Order Cluster ng city government.
Ayon kay Mayor Joy, patuloy na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod Quezon.