Congratulations, Mayor Joy! ![]()
Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo sa “Pagpupugay 2025: Parangal sa mga Lingkod Bayani” na idinaos sa Malakanyang.
Ito ang pinakamataas na parangal ng Civil Service Commission (CSC) sa mga natatanging lingkod-bayan ng bansa, na iginagawad sa mga indibidwal o grupo na may natatanging kontribusyon at mga proyektong nagdulot ng makabuluhan at positibong pagbabago sa bansa at sa buhay ng mga mamamayan.
Binigyang-diin sa parangal na sa pamumuno ni Mayor Joy, ang slogan na kasama ka sa pag-unlad ay naging makatotohanan at naramdaman ng nasasakupan. Naging working laboratory ang Quezon City ng mga best practices sa digital governance, bukas at transparent sa procurement, matatag na disaster preparedness, inklusibong serbisyong panlipunan at urban planning — proyektong inilatag para sa maayos na kinabukasan ng lungsod.








