Pinaalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa panganib na dulot ng hypertension ngayong May Measurement Month.
Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony ngayong umaga, hinimok ni Mayor Joy ang mga kawani na maging health conscious at i-regulate ang kinakain lalo na kung nagkaka-edad na.
Isa sa mga programa ng QC para maiwasan ng mga QCitizen ang hypertension ay ang Free Maintenance Medicine Program kung saan libre silang makakakuha ng gamot sa health center. Mayroon din ang lungsod na calorie-labeling ordinance, at healthy public food procurement policy.