Pinaunlakan ni Mayor Joy Belmonte ang imbitasyon bilang guest sa Kwatro Alas ng DZMM Teleradyo upang talakayin ang best practices at good governance na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Ibinahagi ng alkalde ang kanyang mga gagawin sa susunod na tatlong taon ng kanyang administrasyon para sa lungsod at QCitizens.
Kabilang sa tinalakay ang Mayors for Good Governance Movement na naglalayong isulong ang makabago at tapat na pamamahala sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Tumatayong hosts ng programa sina Michael Fajatin, Dr. Guido David, Alan German, at Ronald Llamas.




