Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang ginagawang Quezon City Convention Center (M.I.C.E Center) na matatagpuan sa loob ng City Hall.
Nais ng lokal na pamahalaan na mapakinabangan ito para sa mga gaganaping conventions, tradeshows, at meetings. Maari rin itong maarkila para sa mga private events.
Inaasahang matatapos ang buong proyekto sa 2025. Ang 18,442-sqm na imprastrakturang ito ay may anim na palapag, na may Event Hall, 6 conference rooms, mga opisina, viewing deck, auditorium, QC Cinema Office, at VIPs and media rooms.
Layon ng lokal na pamahalaan na mabuksan ang basement, ground floor, 2nd floor, at convention area sa Setyembre ngayong taon.
Kasama ng alkalde sa pag-iikot sa proyekto sina City Engineer Atty. Dale Perral, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, City Architect Lucille Chua, at mga kawani ng QC Department of Engineering.