QC, READY FOR PRIDE FEST!
Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon Memorial Circle (QMC) upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo at mga magtatanghal sa gaganaping #LoveLaban2Everyone Pride Festival bukas, June 22, 2024.
Inalam din ng alkalde ang mas pinaigting na security plans ng Quezon City Police District at QC Department of Public Order and Safety kasama ang law and order cluster ng lungsod.
Kasama sa mga inikot ni Mayor Joy ang QCX Museum na venue ng Graduation Rights para sa LGBTQIA+ community, ang Pride Expo booths, at ang mainstage na pagdarausan ng programa at konsyerto sa Pride Night.
Sinilip pa ng alkalde ang mga bagong pasilidad sa QMC at ang mga proyektong isinasaayos dito.
Tiniyak ni Mayor Joy na sapat ang mga nakatalagang istasyon ng medic, ambulances, kapulisan, at iba pang mga tauhan ng lungsod na aagapay sa publiko.